Community Letters: My First Year in College

Hindi sapat ang salitang pagod upang sukuan ang iyong nasimulan sapagkat kadalasan kailangan lang natin ng sapat na pahinga at makapag tanto na hindi dapat sinasayang ang oportunidad na makapag aral dahil ito ang susi upang maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay.

Aubrey Panganiban is our first wearkindness Scholar. She is currently taking BS Education Major in Filipino at Golden Gate Colleges in Batangas City. She’s passionate about promoting the Filipino language and writing about her community.  
With your support, we will continue to partner with Batang VIP to offer the program to more students in Isla Verde, Batangas. 


Sabi nila, kolehiyo ang isa sa mga pinaka mahalaga at pinaka masaya pero para sa akin ito rin ang isa sa mga pinaka mahirap na parte sa buhay ng isang kabataan o mag aaral. Kolehiyo kung saan susukatin kung anong mas matimbang, pagod o pangarap.


They say college life is the happiest and most important part of a young person's life. In college, you will have to decide which is more important- the hardships or your dreams.


Unang hakbang ko sa kolehiyo, ito rin ang unang hakbang ko upang matupad ko ang aking mga pangarap. Sapagkat malayo ako sa tunay kong tahanan at sa iba kong mga mahal sa buhay, hindi naging madali sa akin ang unang yugto upang tuparin ko ang aking minimithi.


Entering college is my first step to fulfilling my dream. It has not been easy for me since I am away from home and away from the people I love.

Gumigising ako nang maaga araw araw upang ipaghanda ang aking sarili ng pagkain upang makapag handa rin sa pag pasok sa paaralan. Kahit puyat sa pag gagawa ng ibang gawain na binigay ng aking guro sisikapin ko pa ring gumising nang umaga upang makapasok sa paaralan dumating sa puntong dahil sa pagod nasabi ko sa sarili ko, Kaya ko pa ba? Ipagpapatuloy ko pa ba ito? Pero naisip ko rin agad yung mga dahilan kung bakit kailangan ko magpatuloy sa kabila ng aking pagod. Mas matimbang pa rin ang aking hangarin na matupad ang aking mga pangarap, kapag naiisip ko yung mga mahal ko sa buhay, yung mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at mga dahilan kung bakit ko ito ginagawa ay nawawala ang aking pagod kundi napapalitan pa ito lalo ng dedikasyon na tuparin ko ang aking pangarap.


Hindi ko na inaalintana ang pagod sapagkat alam ko may pamilya at may mga taong nandiyan para suportahan ako. Sa kanila ako humuhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Pangarap, pamilya at yung mga taong sumusuporta sa akin katulad ng wearkindness ang mga dahilan kung bakit mas pinipili ko pa rin magpatuloy sa kabila ng pagod na aking nararamdaman.


Waking up early every morning to prepare food and the things I need for school despite feeling exhausted from sleeping late at night from school work and assignments make me question if I could still do it. Should I continue? I remember why I need to power through all the hardships when I think about the people who believe in me. My spirit is renewed. My family, my dreams, wearkindness, and all the people who are always there to support me bring me the courage to go on despite the weakness I feel inside.

Natapos ko na ang unang taon at ilang araw na lang ay sisimulan ko na ang pangalwang yugto patungo sa aking pangarap baon ang mga natutunan kong aral mula sa aking mga naging kaibigan at kaklase. Dahil sa kanila, napagtanto ko na hindi lang pera ang mahalaga sa kolehiyo kundi mahalaga rin na may maganda kang relasyon sa iyong kapwa tao at komunidad sapagkat dito unang mabubuo ang isang pagkakaibigan na hinding hindi mo malilimutan.


I have finished my first year in college, and in a few days, I'll be in the next chapter of my journey to fulfilling my dreams, bearing lessons from friends and classmates about why money is not the only important thing to finish college. Building good relationships with the people around you and your community will give you the support system you need to succeed.

Sa mga guro na nagiwan sa akin ng aral na sa pag aaral sa kolehiyo hindi lang dapat kaalaman o karunungan ang sandatang meron ka sapagkat mahalaga ring sandata ang sipag at tiyaga. At kapag sinamahan mo nito ang iyong karunungan tiyak na kahit gaano kahirap ang isang bagay matatapos at makakahanap ka ng paraan upang malampasan ito. At higit sa lahat ang mga natutunan kong aral mula sa aking sarili na, hindi sapat ang salitang "pagod" upang sukuan ang iyong nasimulan sapagkat kadalasan kailangan lang natin ng sapat na pahinga at makapag tanto na hindi dapat sinasayang ang oportunidad na makapag aral dahil ito ang susi upang maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay.


To the teachers who left me with the lesson that, in studying in college, the weapon you have should not only be knowledge because hard work and perseverance are also important weapons. And when you combine them with your skills, you will always find a way to beat the challenges. And above all, the lessons I learned from myself, the word "tired" is not enough to give up what you have started because we all just need to take a rest and realize that the opportunity to study should not be wasted. After all, it is the key to reach your dreams in life.

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published